Bangkay ng driver, natagpuan hiwalay sa wasak na truck

LA TRINIDAD, BENGUET – Nakita ang bangkay ng isang truck driver ilang metro mula sa nawasak nitong sasakyan na bumulusok sa 350 metrong lalim ng bangin noong hatinggabi ng Abril 8, 2017 sa Pekew Poblacion, Buguias, Benguet.
Kinilala ang driver na si Erwin Carlos Makin, 26, mula sa Natubleng Buguias, Benguet.
Natagpuan ng mga rescuers at pulis na rumesponde sa tawag ng isang residente ang wasak na blue Isuzu mini dump truck na may plakang RZL 277 ngunit wala ang driver na nag-udyok sa rescuers na simulan ang paghahanap.
Matapos ang mahigit pitong oras, dakong 7:50 ng umaga, nang natagpuan ang bangkay ni Makin malapit sa ilog ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.
Si Makin diumano ay patungo sa direksyon ng Abatan, Buguias nang mahulog sa bangin ang kanyang truck. Ace Alegre

Amianan Balita Ngayon