Bauang beach resorts dinagsa ng bisita sa Semana Santa

Apr 15, 2017

BAUANG, LA UNION – Matapos ang Araw ng Palaspas noong Linggo (April 9, 2017) ay nagsimula nang nagdagsaan ang mga bisita mula sa mga karatig ng probinsya at maging ang mga turista mula sa ibang bansa ay dinayo na ang mga beach resort sa Bauang, La Union.

Habang pinaghahandaan na rin ng mga opisyal ng Bauang Tourism Council (BTC) ang mga aktibidades ng Bauang Summer Sport Fest 2017 o Kalgaw Festival ngayong buwan ng April ay ini-reset ang schedule nito na idadaos na sa April 21, 22 at 23, 2017 (Friday to Sunday).

Ayon kay BTC Chairwoman Cristita Besanko (Bali-Hai beach resort), “upang tuloy-tuloy ang dagsa ng mga bisita sa ating mga resort kaya natin inilipat ang schedule ng Summer Sport Fest ng Bauang na sisimulan sa April 21 hanggang 23, na tiyak na mas lalo tayo dadagsain ng mga bisita at turista, nitong idinaos natin ang na Hongkong Yacht Race noong April 15 at 16 na ginanap dito sa Bali-Hai Beach Resort ay naging kaaliw aliw sa mga bisita nating dayuhan, matapos natin sa pagninilay at pangingilin itong mga mahal na araw para sa atin, ngunit hindi rin natin maiwasan na kahit ganitong mahal na araw ay dinadagsa pa rin ang ating mga beach resort na karaniwan dinarayo talaga ito lalo na’t ganito kainit ang panahon, ito rin ang mga nasasabi ng mga bisita natin, ang magpalamig sa beach at swimming pool,” ani Besanko.

Ayon naman kay BTC Vice-Chairman External Peter Paul Nang (Rosebowl Steakhouse and Restaurant), “kailangan lang natin magtulungan mula sa officers hanggang sa mga miyembro ng Bauang Tourism Council ang pairalin natin ang mga ordinansa na pagpahigpit ang bawal magkalat sa mga kaligiran ng dalampasigan upang mapanatili natin ang kalinisan at matapos nitong Summer Sport Fest ay isusunod naman natin paghandaan ngayon buwan ng Mayo ay ang Pagwanawanan Festival 2017 na kung saan ay gagawin nating buong buwan ng Mayo ang mga activities, ang first week ay visual arts, 2nd week ay cosplay, ang 3rd week ay photography at videography,” ani Nang.

Nagbigay naman ng pasasalamat si Bauang Mayor Clarence Martin De Guzman, “sa mga departamento ng munisipyo ng Bauang ang kanilang pagkakaisa para sa paghahanda ng kinasasabikan ng mga residente at bisita ang Summer Sports Fest na tatlong araw magbibigay ng kasiyahan, at pinasasalamatan ko rin ang masisipag na nakikipagkaisang mga opisyal at miyembro ng mga beach resort establishment owner ng Bauang Tourism Council. Hindi tayo magtatagumpay kung wala ang inyong kooperasyon sa ating kapistahan, inaasahan natin na tayong lahat ay makikinabang at maging alerto tayo lagi sa ating mga kapaligiran nawa’y kasama natin ang Panginoong Diyos na siyang gagabay sa ating isasagawang festival,” ani De Guzman. ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest