Category: Police Patrol

Binatilyo, patay matapos malunod sa Pangasinan

ROSALES, PANGASINAN – Nakita ang walang-buhay na katawan ng isang 15 anyos na binatilyo mula Barangay Zone V, na diumano’y nalunod sa Totonogen River dito, sa kahabaan ng Agno River sa bayan ng Bayambang noong Setyembre 18.

Apat na suspek, arestado sa paglabag sa firearms law sa Pangasinan

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Arestado ang apat na suspek sa paglabag sa Comprehensive Law of Firearms and Ammunition, umaga ng Setyembre 19, 2018 sa Asingan, Pangasinan. Ayon kay PCInsp Ador M. Tayag, Asingan Police Station chief of police, na ang sabay-sabay na implementasyon ng search warrants para sa paglabag sa RA 10591 ay […]

22-anyos na estudyante, sinuntok sa mukha

LUNGSOD NG BAGUIO – Inireklamo ng isang 22 anyos na lalaki ang isang minero na nanuntok sa kanyang mukha matapos ang isang pagtatalo sa loob ng isang bar sa Upper Mabini St., Baguio City noong Setyembre 11, 2018, dakong 11:30ng gabi.

Pagtatalo ng dalawang negosyante, nauwi sa pamamaril

LUNGSOD NG BAGUIO – Isinugod sa ospital ang isang negosyante matapos itong pinagbabaril ng kausap na kapwa negosyante dahil sa hindi pagkakaunawaan dakong 12:30pm noong Setyembre 12, 2018 sa AYU Building, Lower Magsaysay, Baguio City.

2 lalaki, sinaksak at binugbog sa Ifugao

Sinaksak ng isang 60 anyos na magsasaka ang isang 67 anyos na lalaki at binugbog ang isa pa habang nasa isang pagtitipon dakong 5:30 ng hapon noong Setyembre 12, 2018 sa Tinoc, Ifugao.

Cellphone ng DSWD employee, muntik natangay na kawatan

LUNGSOD NG BAGUIO – Halos maitangay na ang iPhone 6S na tinatayang nagkakahalaga ng P20,000 na pag-aari ng isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development nang nailigtas ito mula sa kamay ng kawatan ng tauhan ng Peace and Order Safety Division (POSD).

2 bangkay ng lalaki, natagpuan sa Benguet

Natagpuan ang dalawang bangkay ng lalaki sa magkasunod na araw ng Setyembre 11 at 12, 2018 sa magkahiwalay na lugar sa Benguet. Nakatanggap ng tawag bandang 8:50am ng Setyembre 11 ang La Trinidad MPS mula kay Barangay Kagawad Denver Nabus upang iulat ang diumano’y bangkay ng lalaki na natagpuan sa loob ng greenhouse sa Bineng, […]

Amianan Balita Ngayon