Category: Police Patrol

Kabataan, naaresto ng mga pulis Cordillera sa shabu, P6-M marijuana sinira

LA TRINIDAD, BENGUET – Nasilo ng anti-illegal drugs operations ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ang P6-milyong halaga ng marijuana at apat na pinaghihinalaang shabu pushers na may edad 17 hanggang 22 sa unang linggo ng Mayo lamang. Sinabi ni PROCOR Chief Supt. Edward Carranza na mayroong 30,200 fully grown marijuana plants ang sinira sa […]

2 patay sa salpukan ng bus at motor sa La Union

AGOO, LA UNION – Sinampahan ng two counts of homicide ang drayber ng isang pampasaherong bus matapos na namatay ang isang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo at angkas nito sa banggaan sa Mc Arthus Highway, Brgy, San Antonio, Agoo, La Union noong madaling araw ng Lunes, May 7, 2018. Binagbagtas ng 28-anyos na drayber ng Partas […]

1 sugatan sa salpukan ng van at motorsiklo

Isa ang sugatan nang sumalpok ang motorsiklo sa van noong Mayo 3, 2018 bandang 1:30pm sa kahabaan ng Junction ng Tetep-an Road at Bakakeng Sur, Montecillo Road, Baguio City.

Bus at kotse, nagsalpukan sa La Union

STO. TOMAS, LA UNION – Sumalpok ang isang pribadong sasakyan sa isang pampasaherong bus dakong ika-3 ng hapon noong Mayo 3, 2018 sa kahabaan ng national highway ng Damortis, Sto. Tomas, La Union.

Jueteng patuloy pa rin sa Nueva Vizcaya

LA TRINIDAD, BENGUET – Patuloy pa rin ang illegal numbers game na jueteng sa Nueva Vizcaya na nadiskubre ng Cordillera police matapos mahuli ang dalawang bet collectors sa Lamut, Ifugao.

Lalaking nabundol ng van, patay sa Urdaneta

URDANETA CITY, PANGASINAN – Hindi na umabot nang buhay ang isang 52 anyos na lalaki matapos itong nabunggo ng isang van dakong 8:16pm noong Mayo 2, 2018 sa Barangay Bactad East, Urdaneta City, Pangasinan.

Lalaking naglalakad, nabundol at nakaladkad ng jeep

Nabundol at nakaladkad ng jeep ang isang lalaking naglalakad sa pedestrian sidewalk bandang 9:15am ng Abril 25 sa kahabaan ng LTO Compound, Navy Base, Baguio City. Agad na rumesponde ang mga traffic investigator nang matanggap ang tawag mula sa nakatalagang security guard ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC).

Taxi driver na tinakbuhan ang nabunggong kotse, inireklamo

Dumulog ang isang 25 anyos na lalaki sa tanggapan ng Baguio City Police Office – Traffic Unit upang ireklamo ang isang di nakilalang driver ng taxi na bumangga sa kotse nito noong Abril 16, 2018, dakong 6:30 ng umaga. Sa salaysay ng nagreklamong si Mark Cyril Felix Sim, technician, residente ng Queen of Apostles, Lourdes […]

Amianan Balita Ngayon