Estudyante nabiktima ng snatcher

Madaling araw ng Lunes (Pebrero 26) nang ang estudyanteng itinago sa pangalang Jamie ay nabiktima ng isang snatcher habang hinihintay ang kanyang sundo sa ibaba ng overpass sa Malcolm Square, Baguio City.
Pahayag ng biktima, habang kinokontak niya ang kanyang sundo, bigla na lamang hinablot ng hindi pa nakikilalang snatcher ang kanyang cellphone. Sinubukan niya itong habulin ngunit dahil siya ay nakasuot ng sandals na may may mataas na takong ay hindi niya ito naabutan.
Agad naman siyang nagtungo sa pinakamalapit na himpilan ng pulis upang iulat ang naturang krimen.
Sa kanyang paglalarawan sa suspek, ito ay nasa 19 hanggang 21 anyos, nakasuot ng kulay abo (gray) na hoodie at nakasumbrero na ginamit niya upang matakpan ang kanyang mukha.
Marami na ang kaso ng phone-snatching sa lungsod ng Baguio at dahil dito, payo ng biktima na maging mas mapagmatyag at maingat sa paggamit ng mga gadgets sa mataong lugar. Kung kailangan namang gamitin ito sa publiko, siguraduhing hawakan itong mabuti. MARK BROZULA VILLAFLORES, UB Intern

Amianan Balita Ngayon