Taxi at pickup truck, nagbanggaan

Hindi pa malaman ang halaga ng nasira matapos nagbanggaan ang isang taxi at pickup truck dakong 6:30pm ng Pebrero 27 sa Leonard Wood Road, Baguio City.
Sa ulat ng pulis, ang Isuzu crosswind wagon taxi na may plakang AYT-218 at minamaneho ni Jhonlilio Escalante Cacanondo, 30, may asawa, at residente ng Dominican Hill, ay binabaybay ang kahabaan ng Leonard Wood road nang bumangga ang kaliwang bahagi ng sasakyan sa Mitsubishi Strada pick-up truck na may plakang ABN-9802 at minamaneho ni Agana Sidney Gamboa Bro-idong, 28, self-employed residente ng Pinsao Proper, na nanggaling naman sa pakurbang bahagi ng M. Roxas road.
Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente bagaman nagresulta naman sa damage of property ang banggaan ng dalawang sasakyan. MARK BROZULA VILLAFLORES, UB Intern

Amianan Balita Ngayon