Isang dating barangay kagawad na nasa listahan ng “narco politicians” ng Malacañang ang nasakote ng mga anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, sa isinagawang buy-bust operation sa Veterans Park, Harrison Road, Baguio City.
Kinilala ni PDEA Regional Information Officer Joseph Calulut ang nadakip na si Dick Gabutan Bravo, 43, former barangay kagawad ng Barangay Lopez Jaena, Baguio City.
Nakuha sa kanya ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at may halagang P10,000, habang ibinebenta sa isang undercover agent.
Ayon kay Calulut, si Bravo ay dating drug surrenderee, subalit patuloy siyang sinusubaybayan matapos malaman na patuloy pa rin itong nagbebenta ng illegal na droga, gamit ang kanyang pampasaherong jeep.
Kinasuhan ito ng paglabag sa Republic Act Number 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). ZALDY COMANDA
August 20, 2018
August 20, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025