Farmer pinatay sa nawawalang kambing

Police Patrol

BANGUED,Abra – Hindi na umabot ng buya sa ospital ang isang magsasaka matapos barilin ng shotgun ng kanyang kapitbahay dahil sa nawawalang kambing sa bayan ng Bucay, Abra. Ayon sa Bucay MPS, ang biktima ay nakilalang si Alexander Tejero Molina, 42, farmer at nakatira sa Sitio Baleg, Barangay Calao, Bucay, Abra.

Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Bobby Baro Baro,alyas Bobot, ng Sitio Bugbog, Barangay Calao, Bucay, Abra.

Sa imbestigasyon, nagtungo ang suspek sa bahay ni Molina na bitbit ang kanyang shot, dakong alas 2:30 ng umaga ng Hulyo 12 at sinisisi nito ang biktima sa pagkawala ng kanyang alagang kambing.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa, hanggang nagalit ng husto ang suspek at binaril nito ng biktima ng shotgun sa likod na tumagos sa kaliwang dibdib nito.

Naabutang nakahandusay ang biktima ng mga rumespondeng pulis at isinugod ang sa Abra Provincial hospital, subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Christian Azurin.

Mabilis na tumakas ang suspek at nakuha sa crime scene ang dalawang deformed pellets at isang fired shot shell ng 12 Gauge Shotgun.

Zaldy Comanda/ABN