Fetus, natagpuan sa parking area

Natagpuan ang isang fetus sa Jadewell Parking Area, Harrison Road, Baguio City bandang 9:10am ng July 13, 2017.
Habang sakay ng police mobile si PO3 Joseph Dulnuan para sa pagsasagawa ng follow up investigation sa Labsan Street, ay nakatanggap ito mula sa radyo na may nakitang fetus sa nasabing parking area kaya agad na rumesponde.
Pagdating sa nasabing lugar, nakita nito ang isang tissue mass/placenta kasama ang umbilical cord sa ibabaw ng mabatong daan sa kaliwang bahagi ng parking area.
Sa panayam na isinagawa, nakita diumano ni Rodelito Ebacetas, 47, cleaner ng Melvin Jones Grandstand sa ilalim ng CEPMO, ang nasabing tissue mass habang nagwawalis sa lugar bandang 9am ng parehong araw kaya tinawagan niya ang personnel ng Tourist Police Unit. Ang lugar ay nakordonahan ng police line at nakunan na rin ng mga litrato.
Pagkatapos nito ay dinala ang nasabing tissue mass sa La Funeraria Paz na inilagay sa isang styro box. Ang retrieval ay sinaksihan ni Brgy. Kagawad Helen S. Medina. Sa loob ng morgue, ang placenta ay sinuri at nabanggit na ang embryo ay hindi pa buo bilang tao.
Ang insidente ay iniimbestigahan pa.

Amianan Balita Ngayon