Paupahang bahay, bahagyang nasunog

Bahagyang nasunog ang isang paupahang bahay sa Purok 3, Gabriela Silang, Baguio City bandang 11:30am ng July 13. 2017.
Nakatanggap ng tawag mula sa radyo ang BCPO-Station 4 mula sa TOC na may isang paupahang bahay ang nasusunog. Nagpunta ang personnel ng Station 4 sa nasabing lugar upang beripikahin ang ulat at nakita nila ang bahagyang sunog sa paupahang bahay ni Marilyn Naoe Babia, 40, barangay secretary ng Gabriela Silang.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang anak ng biktima ay magluluto sana ng kanin nang sa pagbukas nito ng gas stove, biglang umapoy ang hose sa tumagas na gas na siyang sanhi ng sunog na agad namang naapula sa tulong ng mga kapitbahay.
Inihayag ng responding personnel mula sa Baguio Fire Department (BFP) na si SF01 Jose Dagson na fire out bandang 11:50am ng parehong araw, tinatayang nasa P2,000 ang sira sa insidente.

Amianan Balita Ngayon