Grade 10 student, nang-holdap at nanghipo

Huli sa pangho-holdap at paghipo ang isang Grade 10 student bandang 11am ng August 20 sa Middle Quezon Hill, Baguio City.
Kinilala ang suspek na si Froilan Froilan Sola Miranda Jr., 18 anyos, Grade 10 student at residente ng Lamug Street, Middle Quezon Hill, Baguio City.
Nagpapatrolya sa Quezon Hill ang mga personnel ng PS1 BCPO nang tinawag ang pansin nila ni Maraya Anton Serano, 20 anyos, at residente ng Lourdes Subdivision Proper ng nasabing lungsod, at ng kaniyang live-in partner bandang 12:40pm ng parehong araw. Inireport ng dalawa na ang biktima ay hinoldap ng isang lalaki, may maikling buhok, mga 6feet ang taas, nakasuot ng blue jacket, short pants at tsinelas.
Ang mga personnel ng PS1 BCPO, sa tulong ng MPU ng BCPO, barangay kagawad ng Upper Quezon Hill at BPAT member ng Middle Quezon Hill ay ginalugad ang lugar at karatig lugar at sunod-sunod na follow-up investigations na nagresulta sa lokasyon ng suspek sa kaniyang bahay. Ang biktima ay agad nagsisigaw at takot na itinuro ang suspek na siyang nangholdap sa kaniya kung kaya’t agad na inaresto ang suspek.
Sa karagdagang imbestigasyon, isinalaysay ng biktima na hinila siya ng suspek at lugar na pinangyarihan at inilagay ang isang asul na panyo sa kaniyang bibig hanggang nakaramdam siya ng pagkahilo. Hinawakan diumano ng suspek ang iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan at nilamas ang kaniyang dibdib at nagsikap ang biktimang manlaban subalit sinabi ng suspek na huwag ipaalam ang insidente kahit kanino. Tumakbo ang suspek matapos makuha sa biktima ang Samsung S7 cellular phone na nagkakahalaga ng P30,000 at P4,000 na cash na parehong hindi nabawi. Ang kaso ay nasa inquest proceedings.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon