Isang grade 7 na estudyante ang idinala sa Baguio General Hospital matapos na mahagip ng isang Mitsubishi Strada Pick-up sa Harrison Road bandang 4pm ng Pebrero 6, 2018.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ang grade 7 na si John Alexander Natividad Lipiano, 12 taong gulang at kasalukuyang nakatira sa Eagle Crest Phase I Bakakeng Sur, Baguio City ay naghahabulan kasama ang kanyang mga kaklase sa gilid ng kalsada nang mahagip siya ng kanang bahagi ng isang Mitsubishi Strada Pick-up na may plakang CSG-967 na minamaneho ni Wilfredo Emocling Gopeng, 52 taong gulang at residente ng Badihoy Street Guisad, Baguio City.
Nagtamo ng mga sugat si Natividad at dinala ni Gopeng sa Baguio General Hospital upang malapatan ng kaukulang medikal na atensiyon. MICHAEL MARTINEZ, UB Intern
February 10, 2018
February 10, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025