iSTART PROJECT, INILUNSAD SA BENGUET

LA TRINIDAD, Benguet –

Nagsanib pwersa ang Department of Science and Technology, Cordillera Administrative Region (DOSTCAR) at ang Provincial Government Benguet para sa Innovation, Science, and Technology for Accelerating Regional Technology-Based Development (iSTART) Program sa Benguet: Project
Pitching at MOA Signing Ceremony, na ginanap sa Ben Palispis Hall, Benguet Capitol, La Trinidad, Benguet noong Hulyo 24.

Pinangunahan nila DOST Regional Director Dr. Nancy A. Bantog, assistant regional firector for Field Operations; Engr. Angel L. Maguen, at Provincial S&T Director of Benguet, Dr. Sheila Marie
Singa-Claver, ang pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOSTCAR at PLGU-Benguet para sa implementasyon ng iSTART project.

Ang kaganapan ay dinaluhan ng matataas na opisyal at kawani mula sa PLGU Benguet,sa pangunguna ni Governor Melchor D. Diclas, na kinatawan ng kanyang Executive Assistant II, G. David Cabuten,; Vice Governor Ericson L. Felipe; Board Member Joel Tingbaoen Jr.; Board Member Fernando Balaodan, at gumaganap na Provincial Planning Development Coordinator na si
Ms. Susana Padio. Dumalo din sina Atok Municipal Mayor, Franklin L. Smith, at La Trinidad, Mayor Romeo K. Salda.

Nasaksihan sa okasyong ito ang matagumpay na pagtutulungan ng DOST-CAR at ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Benguet at ang kanilang iisang layunin na magkaroon ng karagdagan siyentipikong pagtuklas, at mas lalong mapaunlad ang teknolohiya sa lugar.

Ayon sa DOST, ang iSTART ay isang programa na sumusuporta sa balanseng pagunlad sa heograpiya sa pamamagitan ng pagpapabilis ng paglago ng rehiyon sa pamamagitan ng agham, teknolohiya, at pagbabago, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga LGU sa pagbuo ng isang plano sa pagpapaunlad na nakabatay sa teknolohiya para sa sektor ng agrikultura, pagmamanupaktura, at serbisyo; pag-akit ng mga bagong pamumuhunan na nakabatay sa teknolohiya; pakikipag-ugnayan sa mga mananaliksik, siyentipiko, at inhinyero, upang suportahan ang mga pamumuhunan at
proyektong nakabatay sa teknolohiya sa rehiyon.

John Mark Malitao/UC-Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon