Ang laban ng Ifugao pride na si Carl Jammes Martin para sa kampeonato ng super bantamweight ay maantala ng dalawang linggo. Eto ay matapos masugat sa may kilay ang kampeon nas si Mark Anthony Geraldo ng Bukidnon.
Ang laban ay gaganapan sa Mayo 15, ngunit matapos masugat sa kilay ang kampeon sa kanyang pagsasanay para sa kanyang pangalawang depensa sa titulo na nangailangang itahi, minabuti ng kanyang tagapamahala na gawin ang laban sa Mayo 29.
Daglian namang nagpunta sa Laguna si Yolly Alfante ng Shock Punch Boxing Promotion, kung saan kabilang si Gerlado, upang ayusin ang bagong araw ng kampeonato, ayon sa Fightnew Asia.
Ang 29 anyos na Geraldo, na tinaguriang “El Heneral, ay may 38 na panalo, siyam na pagkatalo kasama ang 19 na knockout. Nakuha ni Gerlado ang bakanteng trono nung pabagsakin si Virgel Vitor ng Bohol sa ika-anim na round noong Pebrero 11 sa Tagbilaran.
Eto naman ang pangalawang laban ni Martin sa mas mataas na kategorya matapos pabagsakin si Joe Tejones ng Bukidnon sa ikalimang round nuong Pebrero 20 sa Biñan City. Si Martin, na may labing pitong laban at walang talo, 15 ang knockout, ay tinaguriang bagong Pacquiao. Ang 21 taon na boksingero ay tubong Lagawe, Ifugao.
Pigeon Lobien/ABN
April 12, 2025
March 29, 2025
March 22, 2025
March 9, 2025
March 4, 2025