Lalaki arestado sa kasong frustrated murder

LUNGSOD NG BAGUIO – Dinakip ang isang 22 anyos na lalaki noong Pebrero 13, 2017, dakong 11 ng umaga sa Purok 8 Sto. Rosario Valley Barangay, Baguio City dahil sa kasong frustrated murder.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga miyembro ng Baguio City Police Office-Station 10, Provincial Intelligence Branch (PIB)-Benguet, Tuba municipal police, Regional Intelligence Unit (RIU-14), CIU, City Investigation and Detective Management Unit (CIDMU)-BCPO at RID-Regional Police Office.
Kinilala ang suspect na si Michael Provadora Novesteras, walang trabaho at pansamantalang nakatira sa naturang lugar.
Si Novesteras ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Danilo P. Camacho, RTC, First Judicial Region, Branch 62 ng La Trinidad, Benguet, at maari itong makapagpiyansa sa halagang P200,000.
Kung matatandaan ay isa rin ang suspek sa mga nadakip noong Setyembre 2016 dahil sa illegal na droga.
Ang suspect ay nasa pangangalaga ng La Trinidad MPS para sa dokumentasyon. Sarah Balagtas, UC Intern

Amianan Balita Ngayon