Lalaki, arestado sa pananaksak

Dinakip ng mga pulis ang isang 22 anyos na suspek dahil sa pananaksak nito sa dalawang lalaki noong ika-10 ng Hunyo 2017, dakong 12:20 ng madaling araw sa isang bar sa Upper Mabini Street, Baguio City.
Kinilala ang suspek na si Jay-ar Obida Spana, single, walang trabaho at kasalukuyang nakatira sa Gibraltar Road, Mines View, Baguio City.
Ang biktima ay nakilalang sina Jericson Velasco Fabia, 20 anyos, tubong Pangasinan, single, at kasalukuyang nakatira sa Lopez Jeana, Aurora Hill at si Rodrigo Suyat Gango, 18 anyos, single.
Ayon sa ulat ng pulis, ang grupo ng biktima ay nag-iinuman sa loob ng Four Moon Bar habang ang suspek ay nakihalubilo sa kanila. Ang suspek ay walang tigil sa pananalita ng hindi kanais-nais hanggang sa nagkainitan ang mga ito.
Agad tinawag ni Fabia ang may-ari ng bar para maiwasan ang gulo. Sinamahan ng biktima ang suspek palabas para pag-usapan ang hindi pagkakaunawaan ngunit nang makialam ang isang kasama ng biktima, inilabas ng suspek ang kanyang Swiss knife.
Nagtamo ng sugat sa kaliwang hita si Fabia dahil sinubukan nitong sipain ang suspek habang nagtamo ng sugat sa leeg si Gango nang sinubukan nitong umawat.
Nadakip ang suspek sa Lower Mabini Street na hawak ang Swiss knife na may limang pulgada ang haba. Iniutos ni Prosecutor Jeffrey Balangitan na dalhin ang suspek sa Baguio City Jail. AUBREY BALINDAN, UC Intern

Amianan Balita Ngayon