Lalaking nasuntok, nahulog sa hagdan ng overpass

LUNGSOD NG BAGUIO – Nahulog sa hagdan ng overpass ang isang lalaking minero matapos itong suntukin ng kapwa minero, dakong alas-dos ng hapon ng ika-11 ng Pebrero 2017.
Nakilala ang biktima na si Leo Legasi Pirdosan, 30 anyos, at ang suspek na si Alfonso Paraden Dagdapig, 31 anyos, may-asawa, at residente ng Purok 7 Kias, Baguio City.
Ayon sa salaysay ng biktima, matapos silang mag-inuman sa taas ng Maharlika building ay napagpasyahan nila na kumain sa Harisson Road. Matapos kumain ay bumalik sila sa Maharlika ngunit habang binabagtas ang overpass ay bigla umano siyang sinuntok ni Dagdapig dahilan upang siya ay mahulog sa hagdanan.
Gagantihan sana ng biktima ang kanyang kasama ngunit agad dumating ang mga otoridad upang awatin sila. Tinulungan nila ang biktima at dinala sa malapit na ospital. Ma Carmina Lipio, UB Intern

Amianan Balita Ngayon