Mag-ina, huli sa pagnanakaw

Huli ang mag-ina sa pagnanakaw bandang 5:50pm ng July 30, 2017 sa SM City Baguio, Luneta Hill, Baguio City.
Kinilala ang mga suspek na sina Aida Ortelano Castro, 59, at anak niyang si Elvira Castro Noveda, 37, parehong mula sa Poblacion West, Natividad, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon, nagmomonitor sa mga namimili si Jefferson S. Castro, 34, civilian guard nang makita niya ang dalawang babaeng suspek na kahina-hinalang kilos. Sinundan niya ang dalawang suspek at nakita ang paglagay ng mga suspek ng iba’t ibang klase ng damit sa isang puting SM Department Store sando bag tulad ng isang Kicks Pyke black na sapatos na nagkakahalaga ng P499.75, isang black leggings Jag- P1,399.75, isang pares ng Lee Chino shorts slim fit – P1,299.75; at isang pares ng family home 250 with sanitized 4pc set Grizon – P2,600. Umalis ang mag-ina nang hindi nagbabayad kung kaya’t sinundan ni Castro palabas ang dalawang suspek at humingi ng resibo. Nang hindi nakapaglabas ng resibo ang mag-ina, dinala sila sa CRO para matanong at iturn-over naman sila sa mga rumespondeng pulis. Ang kaso ay isinangguni sa prosecutor para sa inquest proceedings.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon