Arestado ang isang minero bandang 11:45am ng August 2 sa KMS Bus Lines Terminal, Otek Street, Rizal Park, Baguio City ng pinagsamang personnel ng CIU-BCPO, RIU-14, RID-COR, PIB-Benguet PPO, ISOD-IG, at Hungduan MPS, Ifugao PPO.
Arestado ang suspek na si Bernard Bitaol Wacoy, 44, may-asawa, small scale miner, at residente Baang, Hungduan, Ifugao, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ester Piscoso-Flor ng RTC Br 34, Banaue, Ifugao para sa kasong rape sa ilalim ng CC No. 247 na walang pyansa.
Ang suspek ay may monetary reward na P90,000 sa ilalim ng DILG MC No. 2012-47. Ang naarestong suspek ay dinala sa opisina ng RIU-14 para sa dokumentasyon bago iturn-over sa korteng pinagmulan.
August 6, 2017
August 6, 2017
March 22, 2025
February 9, 2025
January 26, 2025
January 26, 2025
January 26, 2025