Mga armas at bala, nasamsam sa Pangasinan

Police Patrol

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Pinalalakas ng Police Regional Office 1 sa ilalim ng pamumuno ni PCSupt Romulo E. Sapitula, regional director, ang kanilang pagsisikap na makontrol ang comprehensive law sa mga armas, ammunitions at explosives at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Ipinatupad ng Pangasinan Police Provincial Office ang search warrant 148-018 para sa paglabag sa Republic 10591 at search warrant 149-018 ng paglabag sa Republic 9516 na ibinaba ni Judge Mervin Jovito Samadan ng RTC Branch 70 ng Burgos Pangasinan laban kay Norberto Nacino Necesito, 29 anyos at residente ng Bani, Pangasinan bandang 7am ng Agosto 22, 2018.

Ang nasabing police operation ay nagresulta ng pagkaaresto ni Necesito at nasamsam ang isang Colt 1911 cal .45; 23 piraso ng Cal .45 ammunition; 22 piraso ng Cal 5.56 MM ammunition; 2 piraso ng magazine ng Cal .45; isang piraso ng M16 magazine; isang hand grenade at isang rile grenade.

“I obliged the men and women of Police Regional Office 1 to exert more efforts in ensuring the safety of the community especially against criminality that infiltrate the region,’’ ani PCSupt Sapitula.

Dagdag ni Sapitula na noong Agosto 16, 2018, hanggang sa kasalukuyan, siyam pang armas ang narekober at nakumpiska sa patuloy na pagsasagawa ng police operations regionwide.

Iniutos din niya ang pagsasagawa ng ballistic examination at cross matching sa mga nakumpiskang armas na maaaring sangkot sa anumang krimen sa rehiyon.

Dinala si Necesito at ang mga nakumpiskang baril at bala sa CIDG Pangasinan, PFU Alaminos City Office para sa tamang dokumentasyon. PIO-PRO1