LA TRINIDAD, BENGUET – Matagumpay na isinasagawa ng La Trinidad Municipal Police Station (LTMPS) ang bagong Oplan Double Barrel Reloaded mula nang inilunsad ito.
“Nitong week na ito, nag-umpisa kami ng March 13, na-account namin is 64 out of 236. Kasi 236 ang surrenderees namin,” ayon kay Police Chief Inspector (PCI) Benson B. Macli-ing, hepe ng LTMPS.
Aniya, ang kaibahan ng bagong oplan ay kailangang mayroong kasamang miyembro mula sa religious sector, faith-based o pari; barangay captain o barangay officials, at ang chief of police o present commander ng bayan sa pagsasagawa ng house visitations.
“Mahirap kasi yan kasi house to house, parang nag-uumpisa ka ulit kaya kailangang puntahan mo. Pag nandiyan siya, e di swerte mo, pag wala siya, e di malas mo di ba? Kailangang ma-account mo mismo sa kanilang bahay-bahay yan. Pag nabisita mo na sila, i-biographic profile mo ulit sila kung anong nagyayari ulit sa kanila ngayon,” dagdag niya.
Nagsimulang mag-house visitation ang grupo sa mga barangay ng Alapang, Bineng, Pico, Tawang at Poblacion, kung saan rin nagmula ang 64 na una nilang na-assess.
“Okay naman ito, maganda rin kasi parang monitoring siya para titignan mo ulit kung talagang nagbago ba siya or hindi kahit pumupunta sila dito, maa-assess mo pa rin, so magandang programa din yan,” ani Macli-ing.
Target ng grupo na matapos ang kanilang pangkalahatang assessment sa mga surrenderers hanggang sa susunod na buwan. Melanie Z. Dela Cruz, UB Intern
March 25, 2017
March 25, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025