LA TRINIDAD, BENGUET – Sinunog ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Ilocos at Cordillera regions ang pitong marijuana plantation sites sa pagitan ng boundaries ng Ilocos Sur at Benguet noong November 19 at 20, 2017.
Ang halaga ng sinunog na marijuana plantation sites ay tinatayang aabot sa P11.4 milyon.
Katuwang ang mga pulis, ginalugad ng PDEA ang Mount Baukok at Mount Natiktikan at binunot ang 25,264 piraso ng fully grown marijuana plants, 4,300 marijuana seedlings sa Mt. Baukok at sinunog ang 50 kilos ng dried marijuana sa Mt. Natiktikan.
Ang mga plantation sites ay matatagpuan sa loob ng mga boundaries ng Sugpon, Ilocos Sur at Kibungan, Benguet. ACE ALEGRE
November 25, 2017
November 25, 2017
September 29, 2024
September 13, 2024
September 7, 2024
August 24, 2024
August 24, 2024
August 17, 2024