Sanggol at 8 katao, sugatan sa sakuna sa Kennon Road

TUBA, BENGUET – Sugatan ang siyam na pasahero ng isang highland-bound AUV kabilang ang isang 11 buwan na sanggol, nang sumalpok ang sasakyan sa isang electric post sa Kennon Road sa Camp 4, Tuba, noong hapon ng November 19 matapos diumano na ang driver ay biglang naidlip habang nagmamaneho.
Ang mga biktimang sina Redentor Ganasi, 54, driver; asawa nitong si Fe Ganasi, 51; Patricia Apil, 52; Teresa Ganasi; Ruth Ganasi; Joy Takiban; Marilou Sab-it; Rayvel Apil, 13; at Dominador Takiban, 11-months old, ay dinala sa isang ospital upang malunasan ang mga natamong sugat.
Ayon kay Senior Police Officer 4 Romando Ande ng Tuba police, ang mga biktima ay papuntang Baguio City matapos dumalo sa isang fellowship services.
Lahat ng biktima ay mula sa Bangao, Buguias, Benguet. ACE ALEGRE
 

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon