Retiradong US Air Force, patay sa pananaga

LUNGSOD NG BAGUIO – Patay sa pananaga ang isang retiradong miyembro ng US Air Force, madaling araw noong Hulyo 17 sa Pinsao Proper, lungsod na ito.
Ang biktimang kinilalang si Emelito Nalapo ay pinagtataga hanggang mamatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Ayon kay Miriam Bautista, household helper ng biktima, maaaring pumasok ang hindi pa nakikilalang mga suspek sa bintana ng ikalawang palapag ng bahay at pinasok ang kuwarto ng biktima bandang 1am. Pagkatapos ng krimen ay iniwan ng mga suspek ang duguang katawan ng biktima sa sahig.
“Intracranial haemorrhage secondary to multiple hacked wounds” sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ayon sa pagsusuri ni PSupt Rodrigo Leal.
Ang pinangyarihan ng krimen ay patuloy na sinusuri at ang biktima ay dinala sa La Paz Funeral Homes. ABN

Amianan Balita Ngayon