Sa pagpila panukalang House Bill (HB) No. 10362 o ang Senior Citizens Day Care Center Act of 2024 ay sinabi ni United Senior Citizens Party-List Representative Milagros Aquino-Magsaysay na ang mga daycare center ay mag-aalok ng mga educational, health, at socio-cultural na mga programa at mga serbisyo para sa mga matatandang
mamamayan o senior citizens. Likas sa mga Pilipino na takot sa ideyang paglalagay sa isang matandang magulang
sa isang institusyon na para bang ikinakatawan nito ang isang lugar ng kawalang-pagasa at pagkakahiwalay, kung hindi man ay para sa pagtuyot o panghihina at mamatay.
Ang kultural na sanligang ito ang nag-udyok na magpanukala sa Kongreso na ang mga senior citizen daycare center sa bawat barangay ay lalong mahalaga. Ninanais ng panukalang batas na ito na magkaroon ng mga lugar sa loob ng komunidad ng isang pamilya kung saan ang pangangailangan na lubos na matugunan ang mga matatanda. Sa ilalim ng panukalang batas mag-aalok ang mga senior citizens daycare center ng mga aktibidad para sa pagtitipon kabilang ang sining at gawang-kamay (arts and crafts), mga laro, pagsasayaw, magagaang ehersisyo, at mga grupong talakayan at mga pamamasyal o paglalakbay.
Kaya hindi mababagabag ang budhi ng mga nagtratrabahong miyembro ng pamilya na kailangang gumalaw o mga mas nakakabatang kapamilya na abala sa pag-aaral at pakikisalamuhang panlipunan. Ang mga center na ito ay hindi
lamang mga pasilidad kundi mahalagang lugar upang masiguro na ang mga programa at mga serbisyo para sa matatanda ay madaling makuha ng mga senior citizen, ng kanilang mga pamilya, at mga tagapag-alaga. Direktang pinamamahalaan ito ng barangay na nag-aalok ng isang tanawin na hindi tahanan para sa mas maigsi sa 24 oras habang napakalapit sa tahanan.
Kasama ng mabilis na pagdami ng mas matatandang populasyon ay ang tumataas na mga kaso ng pag-abandona at kawalang-tirahan, gayundin ang pagtaas sa kanilang mga espesyal na pangangailangan gaya ng pangangalaga sa kalusugan, pabahay, seguridad s akita, and iba pang serbisyong panlipunan. Bagama’t kilala ang Pilipino sa pagiging matalik sa pamilya ay ito ang katotohanan – maraming matatanda ang napapabayaan. Ayon sa 2020 datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa halos 9.22 milyon ang mga senior citizen sa Pilipinas o 8.5 porsiyento ng populasyon ng sambahayan. Ang bilang na ito ay Malaki ang pagtaas mula sa 7.53 milyon na naitala noong 2015.
Hindi natin alam kung ilan ang naalagaan o kung ilan ang napapabayaan at inabandona at kung may nag-aalaga man ay hindi tayo tiyak kung sila’y lubos na napapamahalaan o mas masakit mas lalo pang nahihirapan sa kamay ng mga kapamilya at namamaltrato. Ayon sa may-akda ng panukalang batas, ang pondo para sa mga daycare center ay
maaaring kunin mula sa alokasyon ng kani-kanilang local government units (LGUs) at maaari ding tumanggap ng mga donasyon. Habang nagbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga pasilidad na pabahay para sa mga senior citizen, ang mga ito ay hindi sapat at kulang upang tugunan ang mga pangangailangan ng maraming tumatandand mga Pilipino hiwalay man sila sa kanilang mga pamilya o hindi.
May 26, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 17, 2024
November 9, 2024
November 1, 2024
October 26, 2024