ITOGON BENGUET – Isang empleyado na nagtatrabaho sa refinery ng Benguet Corporation Gold Operation sa Balatoc, Virac ng bayang ito ang nahuli na nagnanakaw ng gold dust mula sa refinery room Miyerkules ng hapon (Oktubre 25).
Ayon sa ulat ay nahuli si Lorenzo Anongos We-eng, 35; ni Joselito Cruz Lacuna, 45, isang security guard na sikretong nagpupuslit ng fine gold dust.
Sinabi ng police na nagsasagawa ang trabahador ng acid treatment bandang 1:10pm noong Miyerkules sa loob ng refinery room nang mahalata ni Lacuna na hinuhubad ni We-eng ang kaniyang working gloves.
Sinita ni Lacuna si We-eng at sinuri ang gloves at nakita niyang may “fine particle” sa loob nito.
Sa pagsisiyasat nang mabuti ay napag-alamang naglalaman ang gloves ng gold dust concentrates na may timbang 77.5 at nagkakahalaga ng P63,650.40.
Dinala si We-eng sa Itogon police station para sa imbestigasyon at mahaharap sa criminal na kaso na ipinangako ng Benguet Corporation. ACE ALEGRE
October 29, 2017
October 29, 2017
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024