1patay, 1 sugatan sa truck na nahulog sa bangin sa Ifugao

Police Patrol

Mapalad na nakaligtas ang isang pasahero habang patay na nang nakuha ang katawan ng driver ng isang loader truck na nahulog sa 50 metrong lalim na bangin dakong 3pm noong Oktubre 25 sa Sumigar Viewpoint, Banaue, Ifugao.

Ang driver ng truck na may plakang L21486 ay kinilalang si Romualdo Ambojnon Luglug, 47, residente ng Hingyon, Ifugao at ang pasahero ay si Elmer Uyammi Cutiyog, 27, residente ng Banaue, Ifugao.

Dakong 4:30am ng Oktubre 26 ay sinagip ng mga tauhan ng PNP, BFP, at concerned citizen si Cutiyog at agad dinala sa Good News Clinic and Hospital at kalaunan ay inilipat sa Baguio City para sa dagdag na panggagamot habang ang katawan ni Luglug ay iniuwi sa tahanan nito.