LA TRINIDAD,Benguet – Isang Barangay Chairman na tinaguriang Np.4 Top Most Wnted Person ng lalawigan ng Benguet ang nadakip sa kanyang pinagtataguan, ayon sa ulat ng Benguet Provincial Police Office,sa bayang ito.
Nabatid kat Police Colonel Elmer Ragay,provincial director, ang nadakip na si Freddie Bulanit Asuncion, incumbent barangay Captain ng Barangay Balugan, Sagada, Mountain Province.
Ayon kay Ragay, si Asuncion ay ibinilang sa No. 4 TMWP ng lalawigan ng Benguet, kaugnay sa kaso nitong Frustrated Homicide. Samantala, tatlong high value target ang magkakahiwalay na buy-bust operation ang nasakote ng pulisya sa bayan ng Buguias at Mankayan., Benguet.
Ang drug pusher na si Florante Yong-en Fernandez Jr., ay nadakip sa may parking lot of Clean Oil gasoline station sat Upper Abatan, Buguias, Benguet. Nakuha sa kanya ang 3 sachets ng shabu at P1,000.00 cash money, samantalang si Miller Delfin Ambros,alyas Delson, ay nasakote sa may videoke bar sa Abatan, Buguias, Benguet. Nakuha sa kanya ang 2 sachets ng shabu at P1,000.00 cash money at Joven Ediong Plomen,alyas Paksi ay nadakip naman sa Pico, La Trinidad, Benguet at nakuha ang isang sachet of shabu at P1,000 cash money.
Zaldy Comanda/ABN
October 14, 2019
October 14, 2019
January 18, 2025
January 12, 2025
January 4, 2025
January 4, 2025
December 28, 2024