BAGUIO CITY – “Business as usual”, ito ang naging unang sagot ni Mayor Benjie Magalong sa panayam ng AMIANAN, sa kabila ng death threat sa kanyang buhay, kaugnay sa pag-testfy nito sa Senado mula sa kontrobersyal na isyu ng “ninja cops”.
“Walang mababago sa pagiging public servant ko at sa layunin ko na mabago ang mukha ng siyudad ng Baguio,dahil iyan ang naging pangarap ko sa pagtakbo ko sa pulitika. Anuman ang nangyayari sa buhay ko sa ngayon ay personal ko ito at isinawalat ko lamang ang katotohanan,” pahayag ni Magalong.
Ayon kay Magalong, very stressful siya sa nakalipas na tatlong linggo sa Senado, pero pagkatapos ng hearing ay agad siyang bumabalik ng Baguio City para magtrabaho at ipakita sa mga mamamayan na hindi hadlang ang pagtestify niya para iwanan niya ang pamamahala sa lungsod.
Noong Oktubre 3, naging alerto ang mga security guard sa pag-iinspeksyon sa mga may dalang bag na papasok ng city hall, kasabay ang pagdagdag ng personal security, matapos makatanggap ng impormasyon si Magalong mula sa kaibigan, na may “hitman” ang nagbanta sa kanyang buhay kaugnay sa pagsisiwalat nito sa Senado.
“Ito lang ang nabago sa buhay ko, halos hindi na ako makatulog, nagdagdag ako ng personal security at sa bahay at ppinauwi ko din mga anak ko para sa kanilang seguridad. Pero hindi ako papaepekto para masira ang trabaho ko bilang ama ng lungsod, medyo mahigpit lang ang security sa mga invitations at sana ay maunawaan ito ng ating mga kababayan,” wika pa ni Magalong.
Aniya, mga trusted police officers din ang nag-alok ng security para sa kanya at pag-monitor para matukoy ang nagbabanta sa kanyang buhay.
Ayon kay Magalong ,dalawang beses siyang nakatanggap ng tawag sa telepono,noong Setyembre 25 at Setyembre 29, na minumura siya at nagbabanta sa kanyang buhay. Agad siyang nag-call back, pero naka-off na ang cellphone nito.
Sa kanyang mga nagdaang meeting engagement, pauilit-ulit nitong sinasabi na “Don’t you worry, do not worry about the security of your mayor, tuloy ang trabaho ko para sa inyo.” Matatandaan na si Magalong ay inimbitahan sa Senado noong Setyembre 19, kaugnay sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa Bureau of Corrections isyu mula sa mga nalalaman nito bilang dating chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Sa mga nagdaang hearing, may isinawalat siyang personalidad at police officers na inimbesigahan ng CIDG na sangkot sa illegal
drug trade.
Maliban sa security ni Magalong, iniutos ni City administrator Bonifacio dela Peña na maging alerto din ang mga security guard sa city hall, kabilang ang tatlong miyembro ng city mobile force ng Baguio City Police Office (BCPO) ang itinalaga sa city hall, kabilang ang ilang K9 dog.
“Hindi lamang sa ginawa ito ng ating administrator dahil sa ako ay may threat, kundi ito ay proteksyon para sa lahat. Sa ibang LGU’s ay may tight security sila, kaya panahon na para ipatupad natin ang security measures sa city hall at alam ko na maiintindihan ito ang ating mga kababayan,” paliwanag ni Magalong.
Aniya, binilinan naman niya ang mga security na huwag maging abusado sa mga papasok sa city,kundi maging mahinahon at maging magalang sa inspeksyon.
“Dapat nga noon pa ay may security check na sa ating city hall,gaya ng naranasan namin sa ibang lugar, dahil protection ito laban sa masasamang-loob. Kung nangyari ngayon lamang sa Baguio ay hindi dahilan ito na may death threat ang ating Mayor, kaya pabor at maganda ito para sa proteksyon ng lahat,” pahayag ng isang netizens na si Agnes Montoya.
Noong Oktubre 6, isang prayer rally para sa kaligtasan ni Magalong ang isinagawa ng mga religious leaders sa People’s Park.
Sampung mga church leaders,kabilang ang Muslim group ang isa-isang nag-pray over sa kaligtasan ni Magalong at ng kanyang pamilya. Mahigit sa 500 katao ang dumalo sa prayer rally.
Labis naman ang pasalamat ni Magalong sa mga organizers ng prayer rally at muling humingi ng paumanhin sa publiko sa nangyayari sa kanyang buhay. “ itutuloy koi to dahil sinasabi ko lamang ang katotohanan at higit sa lahat ay itutuloy ko ang mga ipinagako para pagbabago ng ating lungsod.”
Zaldy Comanda/ABN
October 14, 2019
October 14, 2019
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024