Ama, pinatay ng sariling anak

ITOGON, BENGUET –  Pinatay ng sariling anak ang  kaniyang ama sa kanilang tahanan sa Camp 1000 Acupan, Virac, Itogon, Benguet bandang 9pm ng July 16, 2017.
Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktimang si Manuel Dallagan Basoyang, 51 anyos, may-asawa, tubong San Juan, Tabuk, Kalinga at suspek na si Mark Anthony Banggawan Basoyang, 21 anyos, sa kanilang tahanan kasama si Eleazar Puyao at nagkaroon ng pagtatalo nang biglang nasabi ng biktima ang salitang “Adda kabit ni Inam idiay Tabuk” na ikinainis ng suspek kaya kumuha ito ng kutsilyong isinaksak sa kaliwang dibdib ng ama. 
Itinakbo ni Melchor, kapatid ng biktima, sa Baguio General Hospital subalit inihayag na dead on arrival ni Dr. Paolo Igama ang biktima bandang 7:33pm.
Ang labi ng biktima ay kaagad na ibinalik sa kanilang tahanan.
Ang suspek any nahuli ng mga rumespondeng pulis. Ang kaso ay iniimbestigahan pa rin at hinihintay ang desisyon ng pamilya kung itutuloy ang pagpila ng kaso laban sa suspek. LRC/ ABN

Amianan Balita Ngayon