Baguio handa sa pagdami ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng 2020

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ng lungsod ng Baguio na handa ito sa anumang biglaang daluyong ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID- 19) na maaaring dumating matapos ang kapaskuhan at bagong taon.
Ito ay sa inaasahang isang serye ng pagpapalabas mula sa isolaytion units na pinamamahalaan ng pamahalaang lungsod at ng iba’t-ibang pribado at pamublikong mga ospital.
Sinabi ni City Health Officer Dr. Rowena Galpo na ang occupancy rate ng kasalukyang isolation units sa lungsod ay higit sa 29 porsiyento na nasa safe category habang ang occupancy ng mga ospital ay nasa warning at critical level na ngayon.
Sa central isolation unit ng lungsod sa dating Sto. Niño hospital na may bed capacity na 233, sinabi niya na 78 beds ay okupado na, 33 beds ay hindi pa magamit dahil sa ginagawang pagsasa-ayos habang 122 beds ay handa na para magamit.
Sa Baguio Teachers Camp isolation facility, 61 beds ay okupado sa Roxas Hall habang 22 beds ay hindi pa magamit at 33 ay handa nang okupahan. Sinabi ng city health officer na sa 27-bed Magsaysay Hall, 8 ang naokupahan na habang 19 beds ay handa na para maokupahan.
Sa 53-bed V Dorm 3 sa ilalim ng Oplan Kalinga ng national task force, mayroong 11 beds ang okupado at 39 beds ang nakahanda na, habang sa Ferioni apartments na may kapasidad na 60 beds, isa lamang ang okupado at ang iba ay hindi okupado.
Dagdag pa niya na ang Lungsod ng Baguio ay trinabaho ang paggamit sa Laurel 2 Dorm na may bed capacity na 102 para sa health workers na mako-confine sa nasabing pasilidad habang patungo sa paggaling.
Habang iniulat ni Galpo na ang pampubliko at pribadong mga ospital sa lungsod ay may nakahandang 232 beds para sa mga kaso ng COVID-19 alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act (RA) 11494, o ang Bayanihan to Recover As One Act, na nag-uutos sa mga pribado at ospital ng gobyerno na magtalaga ng 20 porsiyento at 30 porsiyento, ayon sa pagkakasunod ng kanilang hospital beds para sa mga kaso ng COVID-19.
Tungkol sa 18 mechanical ventilators na makahanda sa pribado at ospital ng gobyerno, 10 ay nagamit na ng naka-confine na pasyente ng COVID na kumakatawan sa 55.55 porsiyentong utilization rate.
Maliban sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) na nakapangako sa nakahandang mga kama, ang mga pribadong ospital ay inihanda rin ang kanilang mga kama para sa mga kaso ng COVID kabilang ang St. Louis University Hospital of the Sacred Heart, Pines City Doctors Hospital, Notre Dame de Chartres Hospital at ang Baguio Medical Center (BMC).
AAD/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon