Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Jun 18, 2022

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang tulog na lang. Punadong habang lumalapit ang pagpapalit ng administrasyon, sala-salabat na ang mga nagaganap na mga kontrobersiya.

Una – presyo ng bilihin bugso ng taas-presyo ng langis. Dahil dito, naglalabasan din ang galing ng kuno ay mga eksperto sa paghahanap ng solusyon sa mga kahaharaping problema. May upak agad ang mga mahilig sa kontra-kumpas: bakit daw ngayon lang lumalabas ang kanilang galing. Sana ay noon pa. tsk tsk…ganyan talaga ang ating bansa. Parang daloy ng tubig – kung saan ang masalimuot na daan, pilit doon dumadaloy. Only in the world talaga ang Pilipinas!

Ang isang sulpot-isyu ay ang pangyayari sa Cebu kung saan matigas ang paninindigan ni Gov. Garcia sa kanyang EO kontra sa pagsusuot ng face mask. Kinontra ito ng DILG at IATF pero sing-tigas ng bato si Garcia.

Tanong: alin ba ang dapat umiral? Utos ng nasyonal na gobyerno o ang utos ng LGU? Tuloy lito ang PNP na naatasang kumilos laban sa mga di nagsusuot ng face mask. Pati nga ang provincial commander ng PNP dito ay inalis na sa puwesto dahil diumano ay medyo kampi kay Gov. Gwen. Iisa naman ang upak ng ating mga kababayan: para sa kapakanan sana ng nakararami…sundin ang itinatadhana na Health Protocols.

Daplis nga ng DOH pati na ang Octa research na tataas pa ang bilang ng Covid cases sa hinaharap dahil sa dami ng mga pasaway. Ang nakakaalarma sa ngayon ay ito: sabay na bumabanat ang Covid -19 at Dengue.

Sa huling ulat ng DOH…isa ang Cordillera sa mga may matataas na kaso ng Dengue. Suma-total, balik tayong muli sa oplan kontra lamok. Matagal na tayong nagsasagawa ng mga defogging na tinatawag.

Malaki na ang nagastos ng gobyerno hinggil dito. Pero bakit parang sumasablay yata ang hakbang na ito kontra lamok? Sabi nga ng mga observers: kaso nga, kahit e-defog mo ang isang lugal, lumilipat naman sa ibang lugal ang mga pesteng lamok. Kaya iisa ang solusyon, daplis
ng marami: kalinisan ng paligid. Tsk tsk…walang pinag-iba ito sa kalakaran sa ating pamahalaan, pards. Magsibak man tayo nang magsibak sa mga peste sa lahat ng ahensiyang may mga anomalya …..may mga peste pa ring papalit na salot. Masahol pa sa lamok ang tinamaan ng pesteng mga ire. Daplis : kaya ba ito ng susunod na administrasyon ? Abangan!

Pinaka-praktikal na problema sa ating lipunan ngayon ay ang kaayusan ng mga daan. Siglo na ang dumaan, pero ito pa rin ang sumasabay na problema sa ating pag-unlad.

Diyan na lamang sa NCR…sa pagdami ng tao, lalong kumapal naman ang dumi. Buti pa sa mga probinsiya, ika
nila…malayong malinis kaysa sa mga siksikang lugal. Isa na ang Buguias, Benguet na nakilala sa pagpapaganda at paglilinis sa kanilang mga lansangan. Di ba ito kaya ng ibang lugal? Isang dagok naman dito sa Baguio ang isyu ng bandalismo.

Mga pader at pati na ang mga overpasses…may mga lamat na ng mga kung ano-anong nakasulat (bandalismo) na marumi sa paningin. Ito ba kaya ay pagpapahiwatig ng patuloy na pamamayagpag ng mga kontra sa kasalukuyang administrasyon?

Ang pagdudumi kaya sa ating lipunan ay pahapyaw pa rin ng mga kontra-kumpas na may bahid-pulitika?

Haayyy buhay….sana sa pagpapalit ng administrasyon….maiba naman tayo ng pondasyon – pagpapatatag ng pagmamalasakitan at tulungan para sa matatag at maunlad na bukas ng ating lahi.

Alaala pa ang sipa noon ni Makoy: SA IKAUUNLAD NG BAYAN, DISIPLINA ANG KAILANGAN! Ano naman kaya ang sipa ni BBM? Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest