Opisyal na Pulis na positibo sa COVID-19 nahaharap sa kaso

BAGUIO CITY – Ipinahayag ni Mayor Benjamnin Magalong na maaring makasuhan ang isang police officer na pumasok sa lungsod na hindi sumailalim sa ipinapatupad na 14 day na quarantine kaalinsunod sa pinaiiral na alintuntunin sa ilalim ng COVID-19 na pandemya.
Kinilala ni Magalong ang nasabing opisyal na si p/Major Rafael Roxas na nakatalaga bilang deputy chief ng Crime Laboratory ng Philippine National Police sa Camp Crame sa Maynila. Dahil dito humingi na rin ng paumanhin si Roxas kay Magalong sa hindi niya pagpapaalam sa pagpasok sa lunsod.
Ayon kay Magalong “Those who want to enter the city have to present a permit from the city government at the borders then will be led to the triage to make a referral whether they will undergo a 14-day quarantine in a medical facility, or home isolation”.
Ipinaliwanag din ni Magalong an isinasagawa na rin ang contact tracing kay Roxas at iniimbestigahan na rin kung paano nakapasok ito sa lunsod na hindi dumaan sa procedures kung paano nakakapasok ang isang tao na galing sa labas ng Baguio.
Ayon sa report ng DOH-CAR si Roxas ay ang ika 31 na naiulat na nabilang sa COVID-19 mula noong April 27 na walang naiuulat na nagpositibo. Ang nasabing pulis ay nakunan ng testing noong May 11, 2020 at sumailalim sa “isolation” noong nakaraang linggo matapos itong umakyat sa lunsod upang dalawin diumano ang kanyang pamilya.
Ipinagdiinan ni Magalong na Magalong “ no one is spared from undergoing the quarantine protocols to contain the spread of the respiratory disease”. Idinagdag pa niya na “But surely, when he (Roxas) gets well, he will face a case”.
Napag-alaman ang nasabing kondisyon ng pulis noong magsagawa ng meeting ang committee ng lunsod noong Martes na ayon sa kanilang ulat ay may isang nagpositibo na pulis na galing sa Maynila.
Agad ding inilagay sa lockdown ang barangay Dontogan na kung saan ay doon nakatira ang nasabing opisyal ng PNP.
(PNA)

Amianan Balita Ngayon