P20M HOUSE FACILITIES PARA SA ELDERLY, EX-REBEL ITATAYO SA BAGUIO

Headlines

BAGUIO CITY – Sa kauna-unahang pagkakataon ang city government ay magpapatayo ng isang complex sa halagang P20 milyon para sa sector ng elderly at ex-rebel sa siyudad ng Baguio.

Ang nasabing complex ay pamamahalaan ng City Social Welfare and Development na magsisilbing retirement home para sa mga matatanda ay unang itatayo sa isang 130-squaremeter na lupa, samantalag ang halfway house ay para naman sa mga rebel returnees na isang dormitory-type facility na magsisilbing pansamantalang kanlungan ng mga dating rebelde sa lungsod at iba pang kalapit na lokalidad habang naghahanda silang muling maisama sa komunidad at magkaroon ng “bagong buhay” pagkatapos ng kanilang boluntaryong sumuko sa gobyerno.

Ang complex ay magkakaroon din ng “Bahay Pag-Asa,” na dating tinatawag na Social Development Center (SDC), at isang youth auditorium.

Sa kasalukuyan, ang SDC ay nasa Balenben, Irisan, kung saan nakalagay ang mga menor de edad sa CSWDO para sa tulong. Ang tatlo pang grupo, habang pinamamahalaan, ay wala pang sentralisadong sentro kung saan maaari silang pansamantalang manatili o manirahan nang walang mga kamag-anak kung saan sila makakasama.

Sa kabuuang P20 milyon pondo para sa complex, ang P15 milyon mula sa city government annual budget, samntalang ang P5 milyon ay ibinigay naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Jordan Habbiling, information officer ng Baguio City Council, pagmimitingan ng City Planning and Development Office,City Buildings and Architecture Office at ang CSWDO ang mga plano sa proyekto sa Hunyo 27.

Zaldy Comanda/ABN