25 positibong Covid naitala sa Baguio, pinakabata namatay

Naitala sa Summer Capital ang pinakamataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease (Covid-19) noong Huwebes at pinakabatang namatay noong Miyerkoles. Ang dalawang araw na sanggol na babae ay isa sa 10 na kaso ng Covid-19 noong Miyerkoles at ika-anim na naitalang namatay sa lungsod, na ang huli ay dalawang senior citizen na edad 65 at 71.
Ayon sa ulat, ito’y napanganak sa Baguio General Hospital and Medical Center na ngayon ang kanyang OB – Gyne ward ay sarado upang magsagawa ng contact tracing at disinfection, habang dalawang kasama sa pagpapanganak ay naging positibo sa testing sa Covid-19.
Ang Baguio baby girl ang maituturing na pinakabatang namatay sa panahon ng pandemya sa bansa sa kasalukuyan. Ang pinakabatang na ospital dahil sa Covid-19 ay isang sanggol na babae na walong araw lamang at nakalabas sa Pines City Doctors Hospital matapos ang 15 araw.
Sa Pilipinas, si Kobe Manjares ng Quezon City ang unang naitalang pinakabatang may Covid-19 na pinanganak nuong Abril 12 at natuklasang impektado sa virus. Siya ay nakauwi mula sa National
Children’s Hospital nuong Abril 28 ngunit namatay nuong Mayo 2. Noong Huwebes, nagulantang ang lungsod sa 25 bagong kaso ng Covid-19, ang pinakamataas na bilang simula ng maganap ang local transmission ng virus noong Marso.
Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng 19 female at 6 male, kabilang ang walong taon na babae, dalawang matatandang lalaki edad 69 and 60 at limang medical frontliners. Ayon kay Aileen Refuerzo, hepe ng Public Information Office ng Baguio, pitong bagong pasyente ay galing sa Irisan, ang pinakamalaking barangay ng Baguio: limang babaeng edad 21, 43, 20, 26, 54; at dalawang lalaki edad 27 and 35.
Dalawang barangay naman ang may dalawang kaso, ang Guisad Central na kung saan duon nakatira ang isang lalaking edad 69 at babaeng edad 24; at, Pinget na may isang lalaking edad 28 at babaing edad 30.
Isang pasiyente naman sa Kias (30, F), Alfonso Tabora (28, F), Camp 8 (31,F), Scout Barrio (31, F), Bakakeng Norte (31, F), Kagitingan (36, F), Padre Burgos (31, F), Loakan Proper, 40, M), Pucsusan (33, F), Aurora Hill (40, M), Magsaysay Private Road (60,M), Fort del Pilar (29, F), Holyghost Extension (51, F) at Fairview (8, F). Ayon pa kay Refuerzo, pinagutos na ni Mayor Benjamin Magalong ang mabilisang paggawa ng contact tracing at malaman agad ang mga pangalan at address ng mga may sakit at kanilang mga contacts, magasagawa ng disinfection, kasama na ang quarantine at mg protkol na pangkalusugan.
Ang sumatotal ng nasa ospital pang mga pasyente ay 89 matapos ang 10 pasyenteng gumaling at napauwi na. May 119 nang gumaling na pasyente o sumatotal na 214 mula maitala ang unang maysakit nuong Marso 23.
Napakabilis naming maabot ng Baguio ang mahigit na 200 kumpirmadong positibo sa Covid. Naabot ang 100 nung July 28 na king saan nagsimula ang “second wave”. Ang sanggol na babae ang pang-anim na namatay sa Baguio matapos ang dalawang senior citizens edad 65 at 71.
Ang pinakamatandanag namatay sa Cordillera ay 85 taon na taga-Abra, eto rin ang pinakaunang namatay sa nasabing lalawigan. Bandang alas-siyete ng Biyernes, Agosto 14, pumalo sa 28 barangay ang lockdown barangays para bigyan-daan ang isasagawang contact tracing para sa safety at seguridad na mga tao na contacts ng mga bagong pasyente.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, pinaiiral ngayon ng lungsod ang “hammer and dance” concept, na kung saan ay mga oras na dapat higpitan ang implementasyon ng community quarantine protocols para bumaba ang bilang ng kaso.
Aniya, ang granular lockdowns sa mga puroks at kalye sa bawat barangay na kung saan may kasong Covid-19 cases at sa mga contact nito ay nararapat na sumailalim sa itinakdang 14-day.
 

Amianan Balita Ngayon