Bagsak-presyo ng gulay sa Benguet, apektado ng COVID-19

BAGUIO CITY – Bumaba ang presyo ng gulay sa kabila ng normal na suplay nito sa lalawigan ng Benguet, subalit apektado ang kalakalan sa bentahan sa merkado, kaugnay sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Agot Balanoy, head ng Benguet Farmers Marketing Cooperative, sa ngayong unang quarter ng taon ay pahirapan ang bentahan ng highland vegetables sa mga trading post, pero normal ang suplay ng gulay, kaya mababa o’ bagsak presyo ang gulay.

Aniya, kaya mahina ang bentahan ay may epekto sa COVID-19, dahil maraming mga buyers sa mga hotels, restaurants at resorts ang nagbawas ng order, dahil kaunti ang local at foreign tourists.

Bukod dito ay halos lahat ng mga fiesta o’ festivals sa bansa ang kinasela dahil sa virus, kaya bumaba ang demand ng gulay sa mga handaan o okasyon.” Matagal ng pong below cost of production ang presyo ng gulay, kaya lang ay talagang matumal ang bilihan ng gulay sa ngayon,” ayon pa kay Balanoy.

Tinatayang umaabot sa 130,000 farmers sa lalawigan ng Benguet ang nag-susuplay ng highland vegetables sa iba’t ibang market sa bansa, bukod pa sa mga farmers mula sa Bauko, Mt Province at Tinoc. Ifugao na may vegetables production.

“Today, which is not really so different from the past weeks, the prices of basic commodities are all below cost of production in La Trinidad, except for potatoes na steady sa price na P45 to 55 per kilo,” Balanoy added.

Ayon naman kay Joel Cervantes, municipal information officer ng La Trinidad at designated supervisor ng La Trinidad Trading Post, bawat araw at minsan ay oras-oras, ay nagbabago ang presyo ng gulay, depende sa demand ng suplay.

Hindi rin ikinaila ni Cervantes na apektado ang pagbaba ng bilihan ng gulay sa trading post, dahil sa mga kinanselang okasyon dahil sa COVID-19. “Maganda ang suplay ng gulay natin sa ngayon, dahil walang kalamidad at karamihang farmers ay mataas ang production dahil sagana sila sa patubig, pero problema talaga sa ngayon ay napakadalang ang bumibili, kaya hindi maiiwasan na bagsak presyo ang gulay, which na maganda sa ating mga consumers,” pahayag ni Cervantes.

Hinalimbawa din nito ang presyo noong Febrero 10 mula sa first class vegetables wholesale buying price, na ang cabbage mighty ball ay P4 to P8 per kilo; Cabbage rare ball green na P6 to P10; Wombok P6 to 10; Scorpio cabbage P10 to P14 at Carrots P10 to P15, samantalang ang presyo noong Pebrero 28 ay malaki ang ibinaba na gaya ng cabbage mighty ball P3 to P6 per kilo;Cabbage rare ball green PP4 to P7; Wombok P5 to 10; Scorpio cabbage green P6 to P10 at Carrots P12 to P16.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon