Baguio crime volume bumababa Epekto ng COVID-19

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Baguio City Police Office (BCPO) na ang crime volume sa lungsod ay patuloy na bumababa kasunod ng mahigpit na implementasyon ng mga gabay sa pamamahala ng lungsod sa extended enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Iniulat ni BCPO City Director Police Col. Allen Rae F. Co na base sa pinakahuling datos, nasa 77 krimen ang naganap sa lungsod mula Abril 16-30, 2019 kumpara sa 26 krimen na naitala ng lokal na kapulisan sa parehong panahon ngayong taon na naglalarawan ng isang 70 porsiyento na pagbaba ng crime volume sa lungsod.
Para sa Abril 1-15, 2020, 28 krimen ang naitala sa blotters ng iba’t ibang police stations na malapit sa 80 porsiyento mas mababa sa 123 krimeng nairehistro sa lungsod sa parehong panahon ng nakaraang taon.
Mula Marso 16-31, ang crime volume sa lungsod ay bumaba ng higit 73 porsiyento na amy 25 krimeng nairehistro kumpara sa 97 iba’t-ibang krimeng naitala sa parehong panahon ng nakaraang taon.
Nauna dito ay inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng isang enhanced community quarantine (ECQ) bilang bahagi ng rekomendadong precautionary measures ng national inter-agency task force for the management of emerging and re-emerging infectious diseases upang mahadlangan ang pagkalat ng nakamamatay na Corona virus Disease (COVID) 2019.
Bago ang implementasyon ng ECQ, ang crime volume sa lungsod ay bahagyang tumaas na may 130 krimeng naitala mula Marso 1-16, 2020 kumpara sa 118 naiulat na krimen sa parehong panahon ng nakaraang taon kasunod ng implementasyon ng mahigpit na anti-criminality at peacekeeping na mga hakbang sa buong lungsod.
Sinabi ni Co na ang mahigpit na pagpapatupad ng ECQ guidelines kung saan inuutusan ang mga tao na manatili sa loob ng bahay at sundin ang physical distancing ay nagging kasangkapan sa pagbaba ng crime volume sa lungsod na kasabay nito ang presensiya ng police sa buong lungsod sa lahat ng oras.
Binigyan pansin ng opisyal ng pulis na kinailangan ng kaunting panahon para mabatid ang tunay na kahulugan ng ECQ ngunit matapos ang pagkakamali sa ilang araw ay nakipagtulungan na ang mga tao at ang bilang ng mga naaaresto sa iba’t-ibang paglabag sa ECQ ay lubhang bumaba sa nakalipas na ilang linggo.
Ayon sa kaniya, mahalaga sa tao ang maging matiisin sa pagsunod sa mga panuntunan na sumasaklaw sa umiiral na ECQ upang sa ganun ay hindi masira ang pinaghirapan ng lungsod sa panahon ng ECQ at mapayagang bumaba sa general community quarantine (GCQ) ang estado ng lungsod pagkatapos ng Mayo 15, 2020.
Gayunman, tiniyak niya na magkakaroon ng mahigpit na mga alituntunin at regulasyon na ipapatupad sa panahon ng GCQ na ang implementsyon nito ay unti-unti upang mabigyan ng pagkakataon ang mga aktibidad na pang-ekonomiya at pangkabuhayan ng tao na unti-unti ring makabawi sa gitna ng isang “new normal” na kailangang yakapin upang mahadlangan ang anumang masamang insidente na maaaring maglagay sa kompromiso sa sitwasyon ng kalusugan sa hinaharap.
DAS-PIO/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon