Tunay na mahalaga ang buwis dahil kapag wala ito ay hindi maipapatupad ng gobyerno ang mga pangunahing proyekto sa buong bansa. Kapag walang buwis ay hindi makakagawa ng mga daan at tulay, hindi makakapagtayo ng mga gusaling paaralan at ospital at hindi masasahuran ang mga guro, pulis, sundalo, doktor, narses at mga kawani na naghahatid […]
Sinuspinde ang mga klase sa pribadong elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod ng Baguio noong Pebrero 22 at 23 ng Department of Education (DepEd)-Baguio sa bisa ng Division Memorandum 29, S. 2018 upang bigyan daan at oras ang mga guro at administrador ng mga pribadong paaralan na dumalo sa First Private Schools Basic Education Congress.
Sa maraming taon na idinaraos ang “Market Encounter” na isang palamuti ng taunang selebrasyon Baguio Flower Festival o Panagbenga ay napapansin na ang usok na nagmumula dito. Usok na pinaghihinalaang may niluluto dito tuwing sasapit ang okasyon. Hindi maiwasan ng ilang malilikot ang pag-iisip na maghinala dahil sa kabila ng isang makahulugang pahayag na “parks […]
Wala namang duda na mabuti at napapanahon ang implementasyon ng “animal quarantine ordinance” ng probinsiya ng Benguet. Dahil sa mga nagdaang taon hindi man sunod-sunod ang naging kaso ng epidemya at sakit dulot ng mga hayop ay totoong nagdulot ang mga ito ng pangamba at malaking epekto sa kalusugan ng tao at sa ekonomiya. Hindi […]
Pobreng lungsod ng Baguio… may pera, may lupa, subalit walang lupang mapagtapunan ng sariling basura nito, ito ngayon ang pinagdadanan ng lokal na gobyerno sa kabila ng limpak-limpak na salapi ay hindi makakuha ng sariling basurahan nito kundi sa bayan pa ng Capas, Tarlac at sa lungsod ng Urdaneta.
On this day eight years ago, a crime that set new records in vileness was committed on a hilltop in Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao. There, gunmen led by a power-hungry madman took the lives of 58 persons, including 32 media workers, in the worst incident of electoral violence in recent Philippine history and […]
Muli ay nagulantang ang lungsod ng Baguio sa biglaang pagdagsa ng maraming bakasyunista matapos idiklera ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pasok sa buong Metro Manila mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 15 dahil sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa. Mahigit 60 porsiyento ng mga sasakyan ang naidagdag sa mga lansangan ng Baguio lalo na […]
Tunay nga ang kasabihan na ang Edukasyon ay para sa lahat, walang bata o matanda at walang pinipiling anumang lahi o tribu, dahil ang edukasyon ay para sa lahat at karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng edukasyon.
Dalawampung taon na ang nakalipas mula nang ipatupad ang Republic Act 8371 o ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA) ay pinaniwalaang magbubukas ito ng mas higit na oportunidad para sa mga katutubong Pilipino at mabigyan ng kapangyarihan ang komunidad na dating itinuturing na mahina at mababa.
Panahon na naman ng paggunita ng ating mga mahal sa buhay na namayapa na. Tuwing dumarating ang buwan ng Nobyembre ay hindi na magkanda-ugaga ang mga tao upang planuhin kung saan at kailan ang susunod nilang pupuntahan upang kahit sa ilang araw na walang pasok sa trabaho at paaralan ay makapagbakasyon. Aminin man natin o […]