CITY WIDE CLEAN-UP DRIVE

Pulis @ Ur Serbis

Sa Baguio City, ang mga kapulisan ng Baguio City Police Office ay matagumpay na nakilahok sa isang city-wide clean-up drive na ginawa sa lungsod. Ang nasabing clean-up drive na inorganisa ng One Baguio Movement ay nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga Non Government Organizations (NGO).

Sa nasabing clean-up drive, ang mga kapulisan kasama ang iba pang mga kalahok ay tulongtulong sa pagwawalis at pagpupulot ng mga kalat at basura sa Session Road, Harrison Road, at Magsaysay Road.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City ang kanyang pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakilahok sa nasabing inisyatiba upang panatilihing malinis ang lungsod.

(PROCOR-PIO)