FEEDING ACTIVITY IN BAYUGAO ELEM. SCHOOL

Pulis @ Ur Serbis

Ngiti at saya ang hatid ng mga kapulisan ng 1st Apayao Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa mga kabataang “Agay” ng sila ay
magsagawa ng isang outreach activity sa kanilang lugar sa Sitio Bayugao, Brgy. Turod sa bayan ng Luna sa Apayao.

Ayon sa 1st Apayao PMFC, sila ay nagsagawa ng isang feeding activity sa Bayugao Elementary School na kung saan ay nasa 50 mga kabataang “Agay” ang lumahok.

Ang mga Agay ay kabilang sa isang indigenous group na naninirahan sa Apayao. Bukod sa feeding activity, nagsagawa din ng Information Drive ang kapulisan patungkol sa mga karapatan ng mga kababaihan at kabataan sa ilalim ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women
and their Children Act of 2004 at ang mga probisyon ng Republic Act 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013”.

(PROCOR-PIO)