TABUK CITY, Kalinga
Arestado ang isang lady farmer na nakalista bilang High Value Individual (HVI) drug personality sa isinagawang search warrant operation sa Barangay Lacnog East, Tabuk City, Kalinga. Kinilala ang nadakip na si Marcelina Laguinday Eugenio, alyas Salen, ng Barangay Lacnog East, Tabuk City,
Kalinga. Nauna nang hinatulan si Eugenio ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)
Ang pagkakadakip sa suspek ay ginawa sa pamamagitan ng search warrant operation ng Kalinga Provincial Drug Unit, Provincial Intelligence Unit, Tabuk City Police Station, Regional Intelligence-Drug Enforcement Unit; 1st KPMFC at RMFB15, noong Mayo 7. Narekober ng mga operatiba sa bahay ng suspek ang isang medium size heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng limang maliliit na transparent sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang white crystalline substance ng shabu na may bigat na 4.0 gramo na may Standard Drug Price na P27,200.00 at isang maliit na bote na naglalaman ng 5 ml ng marijuana oil na may SDP na P250.00.
Ang iba pang narekober ay isang weighing scale, 26 piraso ng gusot na ginamit na aluminum foil;
apat na maliit na transparent plastic sachet na may nalalabi; isang improvised tooter at limang piraso ng ginamit na aluminum foil. Samantala, isinagawa ang paghahanap at pag-imbentaryo ng mga ebidensya sa presensya ng naarestong suspek kasama ang kanyang asawa na sinaksihan ng Department of Justice, mga kinatawan ng Media, at isang Barangay Official ng Lacnog East, Tabuk City Kalinga.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024