MAGALONG NAALARMA SA MAGKAIBANG PRESYO NG LANGIS SA BAGUIO KAYSA SA IBANG LUGAR

BAGUIO CITY

Lubhang naalarma si Baguio City Benjie Magalong sa laki nang agwat ng presyo ng langis dito sa Baguio ikumpara sa ibang ligar halimbawa sa mga lalawigan ng La Union, Pangasinan, Tarlac at mgaing sa Ilocos Region. Matatandaan na binusisi ito ni Magalong noong taong 2019 bago pa sumapit ang Covid 19 pandemya na kung saan ay bakit umanong mas mataas ang presyo ng krudo at langis (crude and regular gasoline) sa lunsod ng Baguio samantalang sa ibang lugar lalo na sa
lowland areas ay mababa ang per liter .

Ani Magalong “ a cursory look at the prevailing fuel costs in Baguio, La Union and Quezon City showed a glaring disparity between the prices”. Ipinaliwanag pa niya na ang Petron XCS ang isa sa mga gasolina na high quality ay mababa ng P10.50 sa isang gasolinahan sa lalawigan ng La Union at sa Quezon City ay mas mababa pa ng P15.00 . At pagdating sa lunsod ng Baguio ay halos doble ang itinataas ng mga ito. Aniya susulatan niya ang mga oil company at ang tanggapan ng Energy
Regulatory Board upang maayos ang ang mga gaintong sitwasyon na nakakabahala sa mga motorista o consumer.

Noong 2019 ay ninais na makipag dayalogo sa “Big Three “ upang hingin ang kanilang tulong na ibaba ang presyo ng gasolina at krudo sa lunsod ng Baguio siubalit ito ay hindi natuloy kung kayat muli niya itong binubuksan ang usapin sa presyo ng gasolina at krudo na permanenteng magkaroon ng mababang presyo o itulad sa mga ibang lugar na mababa ang kanilang presyo.

Tanging ang Petron Corporation lamang sa pamamagitan ni Assistant Vice President for Corporate Affairs Charmaine Canillas ang tumalima sa panawagan ni Magalong na kung saan ay ibinaba
nito ang presyo ng langis hanggang P3.00 . “Malaking bagay ang kahit paanong pagbaba ng presyo ng gasolina lalo na sa mga mahihirap na ating mga kababayan na kung saan ay unti-unti pa lang na bumabangon mula sa pagkakalugmok sa epekto ng pandemya na halos umabot ng tatlong tao”, ayon kay Magalong .

PIO/Aileen P. Refuerzo

Amianan Balita Ngayon