Maharlika tenants nagsumbong sa Ombudsman

Lungsod ng Baguio. Hindi na nagpatumpiktumpik ang kinatawan ng Maharlika Livelihood Complex Unified Tenants Association na pinangunahan ni Adelaida Aquino Cagalingan president ng asosasyon matapos tumungo at nagsumite ng kanilang reklamo sa Ombudsman kaugnay sa mga iligal na ginagawang istraktura sa Maharlika Livelihood Complex sa Lungsod ng Baguio.
Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay Cagalingan na ang mga nakalam na dokumento ng asosasyon at mga paglalahad ni Project Manager ng Human Settlement Development Corporation tungkol sa nasabing project proposal ay napag-alaman di umano sa Office of the Government Corporate Council (OGCC) na wala pang naisumite na project proposal ang (HSDCMLC) kaya ang lahat ng mga itong proyekto ay iligal, ani Cagalingan.
Samantala, habang hinihintay pa ang kasagutan ng City Buildings and Architecture Office (CBAO) para sa pag secure ng building permit sa MLC ay nananatiling nakatiwangwang ang pinahintong istraktura sa 3rd floor atop lobby ng Maharlika na kung saan ay lalong nag-alala ang mga tenant dahil walang seguridad ang kaligtasan nila kung sakaling bumagsak ito lalo na ng biglang lumindol noong Miyerkules ng gabi, malaking disgrasya ito kung nagkataon ayon kay Geronimo Vergonia na isang tenant.
Kaya patuloy ang pag gawa ng petisyon ng asosasyon laban sa mga iligal na istraktura at nananawagan sila n asana ay magawan ng aksyunan ng CBAO ito.
Sinubukan ng ABN kapanayamin ang Project Manager ngunit hindi pa makontak sa ngayon.
 
Mario Oclaman/ABN

Amianan Balita Ngayon