Mayor nangakong pananatilihin, pasisiglahin pa ang mga programa sa 2020

LUNGSOD NG BAGUIO – Nangako si Mayor Benjamin Magalong na pananatilihin at kung hindi man ay pasisiglahin pa ang arangkada sa implementasyon ng mga strategic programs ng lungsod sa unang anim na buwan ng kaniyang administrasyon.

Sa kanilang unang Management Committee meeting sa taon, hinimok ng mayor ang mga department heads na pagtuunan ang mga programa at proyekto na inumpisahan kaugnay ng 15-point core agenda ng lungsod at humanap ng paraan na mapanatili ito kung hindi man mapabilis ang aksiyon.

Sinabi niya na ang taong 2020 ay mahalagang taon para sa lungsod dahil inaasahan nila na maipatupad ang mga pangunahing proyekto na nakalinya base sa agenda at ipagpatuloy ang paggawa ng mga programa para sa ikabubuti ng lungsod sa darating pang mga taon.

“With competence, and strong leadership, we are now prepared to execute strategic solutions and programs to make things happen in 2020 and succeeding years,” ani mayor sa kaniyang mensahe sa Bagong Taon New Year na may titulong “A Call to Arms, Clasped in Unity.”

“To make Baguio better, there will be no let-up in pushing for change in the way we do our assigned tasks,” pangako niya. Sa ManCom meeting ay sinabi ng mayora na umpisa ngayong taon, magsasagawa ang mga departamento ng evaluations bawat quarter ng taong upang palaging nakaagapay sa implementasyon ng mga programa at matukoy at masolusyunan ang mga problema ng maaga.

Sinabi niya na target ng lungsod ang pagpapataas ng kita ng PhP300 milyon ngayong taon upang mapahusay ang katayuang pinansiyal ng lungsod.

Gagawin ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng karagdagang fees partikular sa congestion at environmental fees sa tourist fees, parking fees at pagpapaigting ng koleksiyon sa mga kasalukuyang bayarin.

May aprubadong badyet ang lungsod na PhP2.255 bilyo sa taong ito at inaasahang ipapatupad ang PhP5 bilyon halaga ng mga programa. Proyekto at aktibidad sa ilalim ng Annual Investment Plan nito.

Kabilang sa mga proyekto ang rehabilitation ng main sewer-lines at sewerage system, parks development, sidewalk repair, upgrading ng slaughterhouse corral, city market modernization, construction ng youth convergence center, rainwater harvesting facilities at construction ng command center.

Ang 15 core agenda ng lungsod ay Speeding Up Government Actions; Revitalizing the Environment; Innovating Peace and Order Condition; Aggressive Traffic Management; Responsive Education Programs; Empowering the Youth; Expanding Health and Social Services; Responsible Tourism; Enlivened Culture, Arts, Crafts, and Heritage; Market Modernization; Efficient Disaster Management; Empowered and Accountable Barangay Governance; Strengthened Livelihood and Entrepreneurial Services; Poverty Reduction; at Resolution of Indigenous People Land Issues.

APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon