MUNICIPAL EMPLOYEE’S COOPERATIVE, PAPALAWIGIN ANG SERBISYO

Photo Caption: Nanumpa kay Mayor Romeo Salda ang mga bagong opisyales ng La Trinidad Municipal Employees Multi-Purpose Cooperative (LTMEMPC), noong Abril 15.

Photo by Shine Grace Estigoy/ABN


 

LA TRINIDAD, Benguet

Pinangunahan ni Mayor Romeo Salda ang panunumpa ng mga bagong opisyales ng La Trinidad Municipal Employees Multi-Purpose Cooperative (LTMEMPC), noong Abril 15. Ang LTMEMPC ay isang kooperatiba na binubuo ng mga empleyado ng gobyerno, nai-organisa 1992. Ngayong taon, muling nahalal bilang Board Chairman si Jay Sano, Agricultural Extension Worker, na may walong taon na sa serbisyo mula noong taong 2015.

Patuloy pa rin hanggang ngayon ang serbisyo ng kooperatiba sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng loans. Ito ay ang Productivity Loan, Educational Loan, at Appliance Loan na bukas para sa lahat ng miyembro basta’t may kapasidad na magbayad sapagka’t buwanang ibabawas ang loan sa kanilang mga sahod  Mayroon ding Special Loan Package, pero ipinaliwanag ni Sano na ito ay bukas lamang depende sa availability ng extra funds.

Maliban dito, ang kooperatiba ay namimili rin ng isang iskolar tuwing bagong semestre, sa pamamagitan ng raffle.
Lahat ng estudyanteng naka-enroll sa isang paaralan, may mataas na marka, at may kakayahang panatilihin ito ay maaaring sumubok Ibinahagi ni Sano na sila ay nakabili ng lupa mula sa munisipyo sa pamamagitan ng use of act. Ito ay may 25 na taong kontrata at maari muling i-renew kapag natapos.

Sa loteng ito ay nagpatayo sila ng 2-storey commercial building at pinaparentahan ito sa iba’t-ibang uri ng negosyo.
Ito ang isa pang pinagmumulan ng kanilang pondo maliban sa shared capital ng mga miyembro Sa muling pag-upo ni Sano, ang kaniyang layunin ay madagdagan pa ng dalawang palapag ang kanilang commercial building upang mas lalong mapalawig ang kanilang ibinibigay na serbisyo  “We hope to provide more loans to our members”, pahayag ni Sano. Kasabay nito ay layunin rin nilang dumami pa ang miyembro ng kanilang kooperatiba.

By: Shine Grace B. Estigoy/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon