MAALAB NA PAGBATI!!!

Mariing kinokondena ng Balik Loob Organization of Mountain Province (BLOMP) ang nailabas na statement ng
CPP NPA nitong nakaraan nilang annibersaryo (March 26 2024) nakasaad sa kanilang statement ang direktang
pagkokomand ng CPP sa NPA na maglunsad ng mga taktikal na opensiba sa sa bawat sulok ng bansa sa kahit anumang pamamaraan, kabilang na ang paggamit ng mga land mine at iba pang klaseng pampasabog na sa pamamgitan ng mga taktikal na opensibang ito ay mawawasto nila ang kamalian nila nitong mga nagdaang mga
panahon. Bagamat inaasahan na natin ang mga ito na syang ipapangalandakan kanilang annibersaryo, hindi din nakakagulat na magdeklara sila ng isang planong karumal dumal para mga mamamayan at para maipakita sa gobyerno katakutan.

May mga punto po dito na nais naming ng montanyosa at sa buong kordily sambayanang Pilipino. Una gusto po naming ipabatid na ang pagdeklara ng ganitong atas ng CPP sa kanilang armadong pwersa ay bunga ng pagkadesperado nilang ipagpatuloy ang rebolusyonaryong kilusan labag man ito sa kasunduan ng digmaan o CAHRILL o hindi, wala na silang pakialam basta makapagdulot sila ng matinding terorismo sa bansa sa kadahilanang alam na nilang unti unti na silang nalalagas ni wala silang nabanggit na accomplishment report sa
statement nilang ito.

Pangalawa po, gaya ng nasabi natin sa statement ng nakaraan, ginagamit uli nila ang salitang ‘PAGWAWASTO’ ibig sabihin marami nanamang nasayang na buhay ng mga kababayan natin hindi lang sa kordilyera kundi sa bawat sulok ng bansa na kung saan sila nakapanlinlan lang at maraming kabataan ang kanilang nilalason sa mga nagdaang panahon at higit sa lahat ang ganitong panawagan nila ay nangangahulugan lamang na hindi nila isinapuso ang pagbubukas ng gobyerno sa kanila ng usaping pangkapayapaan, ang mga puntong ito ay nagsasalamin lamang ng tunay na kulay ng CPP NPA.

Ngayon, muli naming ipinaabot sa mamamayan ng sambayanang Pilipino na ang ganitong panawagan o plano ng rebolusyonaryong kilusan ay isang hakbang ng isang tila nababaliw na aso na wala na sa tamang pag iisip,
panatilihing mapagmatyag at iligtas natin ang mga kabataang kanilang nalinlang at magtulungan tayong tapusin at
sugpuin ang matagal ng problema ng bayan! Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang pilipino!

Amianan Balita Ngayon