C AMP DANGWA, Benguet
Nasamsam ng pulisya ang kabuuang P190,000 halaga ng shabu mula sa apat na tulak ng droga sa magkahiwalay na buybust operation sa Kalinga at Abra noong Agosto 1-2. Kinilala ni Brig.Gen. David Peredo,regional director ng Police Regional OfficeCordillera, ang mga naarestong
suspek na sina Allan Velasco Agod, 28; Jimmy Santiago Moscoso, 65; Marcelino Sanidad Cabanilla Jr., 56; at Raul Bernardez Belmes, Sa Tabuk City,Kalinga, ang suspek na sina Agod at Moscoso ay inaresto ng magkasanib na operatiba ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) at ng Phillippine Drug Enforcement (PDEA) matapos magbenta ng limang sachet na naglalaman ng hinihinalang
shabu na may timbang na higit o kulang (MOL) 0.5 gramo na may Standard Drug Price na
P3,400 at isang transparent cling wrap ng hinihinalang dahon ng Marijuana na tumitimbang ng 1,000 gramo na may SDP na P120,000 sa isang operatiba na nagsilbing poseur buyer.
Samantala sa Abra, ang mga suspek na sina Cabanilla Jr. at Belmes ay inaresto ng mga anti-illegal drugs operatives ng Abra PPO matapos na magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may
bigat na 5 gramo na may halagang P34,000. Sa kanilang pag-aresto, isa pang plastic sachet na
naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 5.5 gramo na may SDP na P37,400 ang nasabat din sa kanilang possession. Ang imbentaryo ng mga nasamsam na ebidensya ay isinagawa on-site sa presensya ng mga naarestong suspek at sinaksihan ng mga kinatawan ng Department of Justice, media, at mga halal na opisyal ng barangay.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024