Pagbubukas ng Strawberry Festival, payapang idinaos

LA TRINIDAD, BENGUET- Naging matiwasay ang pagbubukas ng 36th Strawberry Festival sa La Trinidad noong Marso 6, 2017.
Ayon ito kay Chief Inspector Benson Macli-ing, municipal director ng La Trinidad Municipal Police Station (LTMPS).
Dagdag niya, naging “tolerable” ang trapiko sa munisipalidad, at may mga kapulisang itinalaga sa mga interseksyon upang tulungan ang mga motoristang makarating sa kani-kanilang mga destinasyon.
Aniya, “Always ready, 24 hours” ang LTMPS. Lahat ng mga lugar o aktibidad para sa selebrasyon ay kabilang sa kanilang deployment plan, saad niya.
Inaanyahan niya ang lahat upang dumayo sa La Trinidad at makipista sa 36th Strawberry Festival. Noreen D. Cruz, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon