Pagtalikod sa pananampalataya

Ngayon ay maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling panahon ang iba’y tatalikod sa pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa mga mandarayang espiritu at sa mga aral ng mga demonyo, sa pamamagitan ng pagkukunwari ng mga nagsasalita ng mga kasinungalingan, na ang mga budhi ay tinatakan ng nagbabagang bakal. Kanilang ipagbabawal ang pag-aasawa at ipag-uutos na lumayo sa mga pagkaing nilalang ng Diyos upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nananampalataya at nakakaalam ng katotohanan. Sapagkat ang bawat nilalang ng Diyos ay mabuti at walang anumang dapat tanggihan, kung tinatanggap ito na may pagpapasalamat; sapagkat ito ay pinababanal sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng panalangin.

I KAY TIMOTEO 4:1-5

Amianan Balita Ngayon