Plastic ban sa Baguio, tuloy kahit wala pang IRR

Nagsimula na ang full ban sa plastic packaging sa lungsod noong Mayo 1 at ang bagong regulasyon ay nakatuon sa sando bags na madalas ay pang-isang gamit lamang, ayon sa opisyal ng lungsod.
Sinabi ni Cordelia Lacsamana, pinuno ng City Environment and Parks Management Office (CEPMO), hindi na papayagan ng lungsod ang paggamit ng sando bags maliban kung ito’y sertipikadong biodegradable ng Environment Viability Technology Institute sa ilalim ng Department of Science and Technology.
Ayon kay Lacsamana, isinagawa ang isang waste classification study noong 2012 na nagpapakitang halos umabot sa one-fourth ng basura ng lungsod ay sanhi ng plastic bags.
“That is actually the problem,” ipinunto niya, na nagsasabing iyon ang dahilan kaya ipagpapatuloy ng pamahalaang lungsod ang total ban ng plastic packaging simula Mayo 1.
Ang full ban sa plastic bags na nagsimula noong Mayo 1 sa lungsod ng Baguio, kahit na ang implementing rules and regulations (IRR) para sa city ordinance na nag-uutos nito ay hindi pa nailalabas.
Ginawa itong posible ni Mayor Mauricio Domogan nang pirmahan niya noong Abril 27 ang isang administrative order, na nagsasabi ng ilang pamamaraan kung paano ipatupad ang ban, bilang kapalit ng IRR, na nangangailangan pa ng pag-apruba ng konseho.
“There is no going back. Even if there are questionable items, we will refine these in the future, which is going to be submitted to the city council as a component of the ordinance,” ani Lacsamana.
Naipasa ang city ordinance sa plastic ban noong Mayo 2017. Simula noon, ani Lacsamana, ang kaniyang opisina ay nagsimula ng massive information campaign ukol dito.
“Actually it is already integrated into our advocacy programs,” aniya.
Bilang halimbawa, sinabi ni Lacsamana na ang city hall ang dapat mangunang public building sa lungsod na plastic-free.
Nauna rito, sinabi ng pamahalaang lungsod na hindi nila ire-renew ang mga business permits ng mga establisimyentong nagtitinda ng plastic sando bags.
Sinabi ni Lacsamana na ang mga kabahayan na nag-imbak ng mga plastic bag, lalo na para sa paglagyan ng basura, ay bibigyan ng tatlong-buwan na phaseout period.
“They can either recycle or reuse these for other purposes,” mungkahi niya. “We need to change our behavior. Convenience should have a price.” L. AGOOT, PNA
 

Latest News

Amianan Balita Ngayon